Home NATIONWIDE 9 crew ng tugboat nailigtas sa Zambales

9 crew ng tugboat nailigtas sa Zambales

1
0

MANILA, Philippines – Siyam na tripulante ng tugboat na SL SUAI 1 ang nailigtas matapos na sadyang isadsad ang barko sa baybayin ng Botolan noong Agosto 14 dahil sa pagbaha sa engine room.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagkaroon ng butas ang katawan ng barko kaya pinasok ito ng tubig.

Para maiwasan ang paglubog sa gitna ng dagat, minabuti ng kapitan na isadsad ito malapit sa pampang.

Samantala, patuloy ang monitoring at salvage operation sa barko.

Binabantayan din ng PCG ang barko habang isinasaayos ang salvage operations para mahatak ito.

Paalala ng kinauukulan, kahit walang nakataas na gale warning ay pinag-iingat ng Botolan MDRRMO ang publiko lalo na ang mga nakatira sa coastal areas.

Pinapayuhan din ang mga sasakyang dagat na iwasan muna ang pangingisda at iba pang water activities dahil sa masamang panahon, at patuloy na mag-monitor sa weather forecast. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here