Home METRO 9 most wanted, arestado sa QCPD manhunt ops

9 most wanted, arestado sa QCPD manhunt ops

251
0

QUEZON CITY, Philippines – Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni Acting District Director, PCOL Randy Glenn Silvio, ang 9 Most Wanted Persons (MWPs) sa magkakasunod na manhunt operations, kabilang ang dalawa (2) sa District Level.

Ayon sa ulat na inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PLTCOL Edison Ouano ang No. 4 District Level MWP na kinilalang si alyas “Leonito”, 59 taong gulang, alas-5:25 ng hapon noong Setyembre 9, 2025 sa kanyang bahay sa Brgy. Commonwealth, QC. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Panggagahasa na inisyu ng Branch 78, RTC, Quezon City.

Kaugnay nito inaresto ng Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PLTCOL Von Alejandrino ang kanilang No. 4 MWP na kinilalang si alyas “Francisco”, 72 taong gulang, at residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City bandang 12:10 PM noong Setyembre 9, 2025 sa kahabaan ng Lobello St, Del Nacia 4, Brgy. Sauyo, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Sexual Assault na inisyu ng Branch 99, RTC, Quezon City.

 Samantala inaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLTCOL Aljun Belista ang kanilang No. 6 MWP na kinilalang si alyas “Kristian”, 40 taong gulang, at residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City bandang 2:40 PM ng Setyembre 9, 2025 sa Sitio Paroba, Brgy. Lagundi, Mexico, Pampanga. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002) na inisyu ng Branch 302, RTC, Quezon City.

Kasunod nito sa Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLTCOL Geronimo Dimayuga, JR ay nagsilbi ng WOA sa kanilang No. Bagong Silangan, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA for Robbery na inisyu ng Branch 104, RTC, Quezon City.

Habang inaresto ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ng PLTCOL Romil Avenido ang kanilang No. 7 MWP na kinilalang si alyas “Lanie”, 35 anyos, at residente ng Commonwealth, Quezon City alas-5:55 ng hapon noong Setyembre 9, 2025 sa Pugo St. Unit 5, Brgy. Commonwealth, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa B.P. 22 na inisyu ng Branch 3, Municipal Trial Court (MTC), San Fernando City, Pampanga. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here