Home NATIONWIDE 9 na bayan sa CamSur, lubog pa rin sa tubig-baha -PBBM

9 na bayan sa CamSur, lubog pa rin sa tubig-baha -PBBM

214
0

MANILA, Philippines – SIYAM na bayan sa Camarines Sur ang nananatiling nakalubog sa tubig-baha dahil sa naging pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

“So, in CamSur right now as of about one hour, of the 36 towns, nine towns are still fully submerged. Around six towns are partially submerged,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

”But the province has been very, very quick in distributing house-to-house food distribution and every area has already been reached. And we are augmenting the provinces’ food supplies so that patuloy ang ating relief,” ang sinabi pa ng Pangulo.

Aniya pa, ang pagba-byahe sa mga kalakal ay nananatiling pangunahing alalahanin gayunman, tiniyak naman ng Pangulo ang ikakasang airlift capability sa lalawigan.

”But we have set up triage camps on both sides of Maharlika Highway that is presently now still cut off. So, those are providing food and medicines onsite,” ang tinuran ng Pangulo.

”And we are in constant contact with our local government units so that we are in close coordination with the first responders who are, of course, those who guide us in where the most critical areas are. We will continue to do this,” aniya pa rin.

Samantala, sa hiwalay na situational briefing, sinabi naman ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na ang pangunahing alalahanin sa lalawigan ay ang ‘water at fuel supply.’

Sa ulat, ang Naga City, Camarines Sur ay kabilang sa nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo kung saan may mga residente ang na-trap sa kanilang bahay dahil sa mataas na level ng tubig-baha.

Nauna rito, napaulat na na may 30% ng land area ng Naga ang lubog pa rin sa tubig-baha, naapektuhan ang 70% ng populasyon ng naturang bayan.

Ang flash flood sa Naga ay bunsod ng malakas na pag-ulan, high tide, umapaw na Bicol River, at pagtatapon ng tubig mula sa Mount Isarog, ang sinabi ng local disaster management office. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here