Home NATIONWIDE 9 nanggulo sa May 1 rally, kinasuhan ng MPD

9 nanggulo sa May 1 rally, kinasuhan ng MPD

36
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda na ng Manila Police District (MPD) para sa preliminary investigation ang siyam na indibidwal na sangkot sa panggugulo sa isinagawang rally noong May 1.

Ayon kay P/Captain Atty. Felino Nebato, Chief Legal ng MPD, tumagal ang kanilang pagsasampa ng kaso sa Prosecutors Office ng Maynila dahil kinailangan pang tuntunin, matiyak ang pagkakakilanlan at i-evaluate ang lahat ng mga sangkot.

Kabilang sa isinampang kaso ang paglabag sa Article 153 ng Revised Penal Code o Tumult and Other Disturbance of Public Order, paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act 1985, at Robbery.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng T.M. Kalaw Avenue corner Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila kung saan nakabalikada ang mga tauhan ng Civil Disturbance Management (CDM) contingents ng MPD.

Isa sa mga suspek ang nanapak ng isang tauhan ng MPD at pinagnakawan din ng cellphone ang isa pang tauhan ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here