Home HOME BANNER STORY 9 patay, 900 sugatan sa Taiwan quake

9 patay, 900 sugatan sa Taiwan quake

Taiwan – Tumaas na sa siyam ang nasawi sa napakalakas na
Ismagnitude 7.2 na lindol ang tumama nitong 8am ng Miyerkoles sa silangang baybayin ng Taiwan sa lalim na 15.5km (9.6 milya).

Habang aabot naman sa 900 katao ang nasugatan sa nasabbing lindol na kinokonsiderang pinakamalakas na yumanig sa Taiwan sa loob ng 25 taon.

Matatandaang naitala ang sentro ng lindol ay humigit-kumulang 25km (15.5 milya) timog-silangan ng Hualien.

Sinundan pa ito ng ilang malalakas na aftershocks, kabilang ang isa sa magnitude 6.5.

Maraming mga gusali sa Hualien ang nasira nang husto.

Ang mga pasisikap sa pagsagip ay isinasagawa para mailigtas ang higit sa 100 katao na na-trap sa mga tunnel o gusali. RNT

Previous articleP199M lotto jackpots mailap
Next article7 lugar nakaranas ng mapanganib na init nitong Abril 3