Manila, Philippines – Masaya ang IG Live nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na birthday treat nila para sa kanilang mga supporters.
Nag-birthday si Kiko last August 24 at isa na siyang ganap na senior citizen sa edad na 60 years old.
Marami ang naaliw sa comment na discounted na ang former Senador sa grocery, sa restaurant at sa medicine.
Nag-dinner date sina Sharon at Kiko na mataga na nilang hindi nagagawa.
Sinagot nina Sharon at Kiko ang mga tanong ng mga fans, pero hindi nabasa yung tanong sa dating senador kung manonood ba siya sa Dear Heart concert ng asawa at ni Gabby Concepcion. Hindi ito nasagot.
May sinabi si Kiko na ayaw kumain ni Sharon, kaya pinilit niya ang Megastar para kumain.
Katuwiran naman ni Sharon na hindi siya makakain dahil nai-stress siya.
“May nagpapa-stress sa akin,” sabi lang niya at hindi na nag-elaborate.
Ang feeling at hula naman ng mga fans ay baka raw yung sangkatutak na nanghihingi ng complimentary ticket sa concert nila ni Gabby ang dahilan na pagka-stress ng Megastar. Kung bibigyan nga naman niya ang lahat ay baka wala nang kikitain ang producer. Gerry Ocampo