MANILA, Philippines- Tatlong indibidwal ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa milyon-milyong halaga ng iligal na droga sa Surigao City.
Ayon sa PCG K9 Force, humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon ang nasabat ng joint law enforcement team nito.
Ito ay makaraang magkasa ng anti-illegal drug operation sa Lipata Port,Purok 1, Barangay Lipata, Surigao City .
Bukod sa mga nakumpiskang mga iligal na droga ay naaresto rin ang tatlong suspek habang nasa akto ng pagbebenta ng iligal na droga.
Nai-turn over na sa Surigao City Police Station (SCPS) ang mga nakumpiskang kagamitan, gayundin ang mga suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng karampatang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden