Home ENTERTAINMENT Andrew, humiling na multuhin ni Jho!

Andrew, humiling na multuhin ni Jho!

174
0

Manila, Philippines – Jho Rovero may have crossed the Great Divide pero buhay pa rin ang alaalala nito sa karelasyong si Andrew Schimmer.

Kung matatandaan, Jho succumed to acute hypoxemia na pinagrabe pa ng ilang kumplikasyon noong December 20, 2022.

Naulila ni Jho si Andrew at dalawang anak.

Yumao man halos isang taon na ang nakakaraan, ramdam ni Andrew ang pagka-miss sa partner.

Magugunita ring December 12, ilang araw before Jho’s death ay inanunsyo ni Andrew na magpapakasal sila nito.

Nitong October 28, ibinahagi ni Andrew ang kanilang larawan sa social media.

Titig na titig siya kay Jho na nakaratay sa ospital.

Nilakipan ito ng mahabang caption ni Andrew.

Saad niya, miss na miss na raw niya si Jho.

Kung maaari’y dumaan sana si Jho sa kanya kahit saglit lang.

Dagdag niya, marami raw siyang ikukuwentong tsismis kay Jho pag dumalaw daw ito sa kanya.

Nakahanda na rin daw ang wine glass ni Jho sa kanyang pagbisita.

Saka binati ni Andrew ng Happy Halloween si Jho.

Ito ang kauna-unahang Araw ng mga Patay na hindi kapiling ni Andrew si Jho.

Mahigit isang taon ding naospital si Jho na pabagu-bago ang kundisyon.

Iniuwi si Jho sandali sa kanilang tahanan only to be brought back to the hospital dahil nasobrahan ng sodium content ang medikasyon nito.

The day after Jho passed away ay siya namang kaarawan ng bunso nilang anak.

Ang pinagdaanan ni Andrew ay isang kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig na hanggang sa huli’y pilit na ipinaglaban nito.

Na-feature ang kanilang natatanging kuwento sa Magpakailanman ng GMA. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here