Home HOME BANNER STORY Crowd estimate sa Manila North Cemetery umakyat na sa 690K!

Crowd estimate sa Manila North Cemetery umakyat na sa 690K!

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdagsa ng mga tao ngayon sa Manila North Cemetery (MNC) sa kabila ng pagbuhos ng ulan.

Kanya-kanya namang labas ng pananggalang ang mga bumibisita kung saan umakyat na sa 690,000 indibidwal ang naitala ng Manila Police District batay sa kanilang latest crowd estimate.

Ito ay mula nang buksan ang nasabing sementeryo alas-4 ng madaling araw.

Sa entrance pa lamang ng Manila North Cemetery ay mahaba na ang pila kung saan may ilan pa rin ang nagpupumilit na magpasok ng mga ipinagbabawal na bagay katulad ng mga gamit sa paglilinis gaya ng walis, pintura at thinner.

May ilang kabataan rin ang pinaiwan na lang ang dala nilang sigarilyo, lighter, vape at pabango na bawal rin sa loob ng sementeryo.

Dahil sa pagdagsa ng mga tao, isang PWD at dalawang senior citizen ang napaulat na nawawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden