Home ENTERTAINMENT Kiko, binasag ang trip ng Sha-Gab fans!

Kiko, binasag ang trip ng Sha-Gab fans!

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng mga diehard Sha-Gab fans ang ipinost ng mister ni Sharon Cuneta na si dating Senator Kiko Pangilinan

Litrato kasi ‘yon ng mag-asawa na magkayakap.

Pagkatapos kasi ng Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion sa SM MOA ay diretso uwi na ng kanilang tahanan ang Megastar.

Si Kiko naman ang sumalubong sa kanya.

Yes, sinadya ngang no-show si Kiko

sa naturang concert dahil alam niyang posibleng makaagaw siya ng eksena.

Pero wala man sa concert, Kiko was accused just the same.

Partikular na hindi nagustuhan ng mga Sha-Gab fans na makitang magkayakap sila.

Buti na lang, may mga fans si Sharon na marunong makaunawa.

Anila, ‘yung kina Sharon at Kiko raw ay reyalidad ng buhay.

This is as opposed to Sharon and Gabby na nagsama lang sa concert dahil trabaho lang ‘yon, nothing more than that.

At dahil nga sa disgusto ng mga Sha-Gab fans ay nasabihan tuloy silang mga uto-uto ng mga

Sharonians dahil sa hirap nitong ihiwalay ang katotohanan from make-believe.

As a result din, si Kiko ang nasa receiving end dahil pamba-bash ang tinanggap niya.

Good thing, hindi na nag-react pa si Kiko sa pagnenega sa kanya for which he got praised by the netizens.

Samantala, pagkakataon ng mga Cebuano na saksihan ang Dear Heart concert which goes onstage at the NUSTAR Convention Center on November 17.

Bukod sa pagkakaroon ng repeat sa bansa, marami ang humihiling na dalhin din ito abroad. Ronnie Carrasco III

Previous articleLolo arestado sa baril at pagbabanta sa Valenzuela
Next articleCrowd estimate sa Manila North Cemetery umakyat na sa 690K!