Home ENTERTAINMENT EB, naungusan na ang E.A.T. sa ratings!

EB, naungusan na ang E.A.T. sa ratings!

170
0

Manila, Philippines – Trending nitong November 1 ang TikTok video kung saan makikitang hinalikan ni Paolo Contis sa noo si Arra San Agustin.

Eksena ‘yon mula sa supposedly sketch ng Eat Bulaga.

Ito ang bagong aabangan sa EB tuwing Wednesday at Saturday.

Umiikot ang kuwento sa kunwari’y love triangle kina Paolo, Arra at Betong.

Kung tutusin, late nang na-pick-up ‘yon ng TikTok pero nakapagtala ito ng 1.2 million views.

At mukhang inabangan ng mga manonood kung ano ang developments sa kuwento.

Dahil nadadagdagan ang mga views nito, masasabing ito ang dahilan kung bakit if we are not mistaken, for the first time ay naungusan ng

EB sa ratings ang E.A.T.

Bagama’t nangyari lang ‘yon nitong October 30, may dahilan ang EB na “magyabang.”

EB got 4.4% samantalang 3.8% naman ang nakuha ng E.A.T.

Pumangatlo ang It’s Showtime with 2.4%.

This must send a strong signal to all three noontime shows.

With such a promising segment, kailangang pagbutihin ng EB ang paglalatag ng kuwento to attract viewers.

At the same time, challenge din ito sa creative staff ng E.A.T. to come up with a segment para tapatan ang kabila.

The same goes for Showtime para hindi na lang lagi itong nakapako bilang poor third.

But knowing Joey de Leon’s reaction na tinalo ang kanilang show, for sure na nakatsamba lang ang katapat.

Ang isang araw na pagkatalo sa ratings ay hindi nga naman nangangahulugang pangmatagalan na ‘yon.

Therefore, EB should not rest on its laurels. Not yet. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here