Home NATIONWIDE Timor island inuga ng M-6.1 na lindol

Timor island inuga ng M-6.1 na lindol

INDONESIA – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang TImor Island, Indonesia nitong Huwebes, Nobyembre 2.

Ayon sa ulat, ang lindol ay may lalim na 36.1 kilometro at tumama sa kanluran ng Timor Island malapit sa Kupang.

Naramdaman ang lindol sa Kupang, na matatagpuan sa islang pinaghahatian ng Indonesia at East Timor.

Nagdulot ng pagkasira ng ilang gusali sa lungsod ang naturang pagyanig at pwersahang inilikas ang mga residente.

“I was dizzy and at first I thought it was because I was running in the morning,” ayon sa isang residente ng Kupang.

“I was shocked to see several residents running out of their houses because the earthquake was so strong.”

Nobyembre noong nakaraang taon ay niyanig din ng magnitude 5.6 na lindol ang West Java province sa naturang probinsya na kumitil sa buhay ng 602 katao. RNT/JGC