Home SPORTS Clarin, GAB palalakasin combat sports sa bansa

Clarin, GAB palalakasin combat sports sa bansa

BAHAGI pa rin ng kanyang adbokasiya na 3xPRO para i-promote, professionalize at protect ang Philippine sports, nagkaroon ng pakikipagpulong kamakailan si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin kina UGB MMA CEO Ferdinand Munsayac at COO Perla Mae Tagacay kaugnay sa future ng combat sports sa bansa.

Pinaplano ng UGB MMA na tuluyan nang maging professional combat sports organization sa ilalim ng direct supervision and regulation ng Games and Amusements Board.

Naniniwala si Chairman Clarin sa professionalization ng sports at buong-pusong nilalayon na i-promote ang mga atleta at sporting event sa loob at labas ng Pilipinas.

“𝑳𝒆𝒕 𝒖𝒔 𝒆𝒍𝒆𝒗𝒂𝒕𝒆 π’„π’π’Žπ’ƒπ’‚π’• 𝒔𝒑𝒐𝒓𝒕𝒔 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 π’‰π’Šπ’ˆπ’‰π’†π’”π’• 𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒂𝒓𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝒆𝒙𝒄𝒆𝒍𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆!” wika ni Clarin.JC