Home NATIONWIDE Mag-asawang gustong mag-ampon, kailangan ng ‘go-signal’ ng lehitimong anak – SC

Mag-asawang gustong mag-ampon, kailangan ng ‘go-signal’ ng lehitimong anak – SC

98
0

MANILA, Philippines – Kinakailangan pumayag muna ang mga menor de edad na lehitimong anak ng mag-asawang nagnanais umampon ng mga bata.

Ito ang inihayag ng Korte Suprema matapos ibasura ang petition for review on certiorari ni Nena Bagcat-Gullas.

Kinukuwestiyon ni Bagcat-Gullas ang rulings ng Court of Appeals (CA) na pumapabor sa desisyon ng Regional Trial Court (RTC) na nagpapawalang-bisa sa adoption decree na unang pumabor kay Bagcat-Gullas.

Nilinaw ng Supreme Court Third Division na mahalaga ang pagsang-ayon ng mga lehitimong anak na edad 10-taon pataas upang makapag-ampon ang kanyang magulang.

Sa record ng korte, iniwan ng biological mother sa pangangalaga ng mag-asawang Nena at Jose R. Gullas ang batang si Jo Anne Maria Ariraya na inalagaan ng mag-asawa at itinuring na rin nilang anak.

Noong Mayo 5, 2016, naghain petition for
adoption and correction of entries sa birth record ni Jo Anne ang pétitioner.

Noong una ay pinaboran ng hukom ang petisyon ni Bagcat-Gullas ngunit isinantabi ng RTC ang unang kautusan matapos umapela ang mga lehitimong anak ni Jose na nagsabing apektado sila bilang mga anak ng pétitioner.

Pinadalhan ng summon ng hukom ang mga partido hinggil sa petition, ngunit pumalag ang mag-asawang Nena at Jose hanggang sa idulog nila ang usapin sa Korte Suprema.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema ang sinasaad sa Section 9(c) of Republic Act No. (RA) 8552, o ang Domestic Adoption Act of 1998, na ang “written consent of the adopter’s legitimate children aged at least 10 years old is required for the adoption to be valid.”

Binanggit din sa desisyon na ang 2014 ruling sa kasong Castro v. Gregorio, na pinagtitibay ng Korte na ang“consent of the adopter’s other children’ ay mahalaga sa pagpapanatili ng pagkakaisa sa mga magiging magkakapatid o prospective siblings. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here