Home METRO Mga dapat, ‘di dapat sa Traslacion inilabas ng Quiapo

Mga dapat, ‘di dapat sa Traslacion inilabas ng Quiapo

MANILA, Philippines – Naglabas ng mga paalala ang pamunuan ng Quiapo Church sa mga ‘dapat’ at ‘hindi dapat’ gawin sa pagdiriwang ng Nazareno 2024.

Mga HINDI DAPAT gawin ay ang mga sumusunod:

– Bawal sumampa sa Andas upang maipakita ang Mahal na Poong Jesus Nazareno.
– Huwag magtulakan upang walang nasaktan.
– Huwag na magdala ng maraming gamit o malaking mga bag. Kung magdadala ng bag, mas mainam na ito ay “transparent bag” upang mas madali ang pag-iinspeksyon ng mga ito.

Mga DAPAT gawin:

– Maaari pa rin maghagis ng panyo upang maipunas sa Mahal na Poong Jesus Nazareno.
– May pasanan pa rin ng pingga at paghila sa lubid, gawin ito ng maayos at may lubos na pag-iingat.
-Sa mga may karamdaman at mga bata, mag-abang na lang sa gilid ng kalsada para sa kanilang kaligtasan.
-Bago magsimula ang Traslacion, huwag kalimutan na kumain na upang may sapat na lakas habang dumadaloy ang Traslacion.

Paalala ng simbahan sa mga deboto, ang tunay na alagad ay sumusunod sa mga panuntunan.

Kaugnay ng aktibidad, magpapatupad ang pulisya ng ilang paghihigpit sa mga kontroladong lugar sa harap ng Simbahan ng Quiapo gayundin sa mga kalsada sa paligid ng Simbahan.

Magpapakalat din ng 15,000 police personnel upang masiguro ang aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno ngunit sa mismong Traslacion ay mahigit 5,600 personnel ang inisyal na idedeploy. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSanggol tinamaan ng kwitis sa mata
Next articleMag-asawang gustong mag-ampon, kailangan ng ‘go-signal’ ng lehitimong anak – SC