Home NATIONWIDE Sanggol tinamaan ng kwitis sa mata

Sanggol tinamaan ng kwitis sa mata

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pinakahuling biktima ng kwitis o skyrocket ay isang 10-buwang gulang na batang lalaki mula Metro Manila.

Sinabi ng DOH na ang kwitis, na itinuturing na legal, ay sinindihan ng ibang tao sa bahay nang masugatan nito ang kanang mata ng bata.

Siya na ngayon ang pinakabatang sugatan sa mga paputok sa rekord ng ahensya.

Ang pinakamatanda naman ay isang 77 taong gulang na lalaki mula sa Ilocos Region nang tamaan naman ng whistle bomb.

Sa ngayon, karagdagang 114 bagong firecrackers-related injuries ang naitala mula Enero 2 hanggang 3 na nagdala sa kabuuang 557.

Sinabi ng ahensya na 97 porsyento o 111 kaso ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan habang ang karamihan sa mga kaso ay dahil sa legal na paputok.

Sampung indibidwal ang naospital dahil sa kanilang mga pinsala.

Sinabi ng DOH na gagamitin nito ang datos nito upang mahigpit na itulak ang mga hakbang para sa Pasko at Bagong Taon ngayong 2024.

“Illegal fireworks… are to blame for just four out of every ten cases (216, 39%), with legal fireworks causing more injuries,” binigyan-diin ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article4 bagong pangalan idinagdag ng PAGASA sa 2024 storm list
Next articleMga dapat, ‘di dapat sa Traslacion inilabas ng Quiapo