Home NATIONWIDE 4 bagong pangalan idinagdag ng PAGASA sa 2024 storm list

4 bagong pangalan idinagdag ng PAGASA sa 2024 storm list

MANILA, Philippines – May bagong apat na pangalan na gagamitin ang PAGASA para sa mga bagyong papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong 2024.

Ang mga pangalan na ito ay ang Aghon, Querubin, Romina, at Upang, na gagamitin ng PAGASA sa kauna-unahang pagkakataon.

Kapalit ito ng mga pangalan ng bagyo na Ambo, Quinta, Rolly, at Ulysses na nagdulot ng matinding pinsala noong 2020.

Ang kumpletong listahan ng mga pangalan ng bagyo para sa 2024 ay ang mga sumusunod:

Aghon
Butchoy
Carina
Dindo
Enteng
Ferdie
Gener
Helen
Igme
Julian
Kristine
Leon
Marce
Nika
Ofel
Pepito
Querubin
Romina
Siony
Tonyo
Upang
Vicky
Warren
Yoyong
Zosimo

Kung sosobra sa 25 ang mga bagyong papasok sa PAR ngayong taon, gagamit umano ang PAGASA ng auxiliary list sa 10 iba pang pangalan. Ito ay ang:

Alakdan
Baldo
Clara
Dencio
Estong
Felipe
Gomer
Heling
Israel
Julio

Nauulit ang pangalan ng bagyo tuwing apat na taon, maliban na lamang kung hindi na ito gagamitin.

Ang dahilan para alisin ang pangalan ng bagyo at hindi na muling gamitin ay kung nagdulot ito ng matinding pinsala sa bansa sa nakaraan, na may 300 nasawi o P1 bilyong pinsala sa agrikultura, imprastruktura, tirahan at iba pang ari-arian. RNT/JGC