Home HOME BANNER STORY Poong Itim na Nazareno nakabalik na sa Quiapo Church; Traslacion umabot ng...

Poong Itim na Nazareno nakabalik na sa Quiapo Church; Traslacion umabot ng 15 oras 

164
0

MANILA, Philippines- Tulad ng inaasahan, maagang natapos ang prusisyon ng Poong Itim na Nazareno sa muling pagpapanumbalik ng Traslacion ngayong Enero 9.

Sa bukana pa lamang ng Villalobos Street ay halos hindi na mausad ang Andas dahil bukod sa masikip ang lugar ay doon na rin naipon sa paligid ng Simbahan ang karamihan sa mga deboto na naghihintay sa pagbabalik ng Nuestro Padre Hesus Nazareno.

Lalo namang nagmistulang dagat sa dami ng mga tao na bumuhos sa paligid ng Quiapo na matiyaga ring naghintay masilayan lamang ang pagpasok ng Poong Itim na Nazareno sa Minor Basilica.

Sa kalagitnaan ng Villalobos Street, sandalling huminto ang usad ng Andas matapos mamatayan ito ng ilaw.

Nang makapasok sa Plaza Miranda ay umalon na ang mga tao at hindi na maisalya nang diretso ang Andas at hindi na rin makontrol ang mga deboto dahil nagkakatulakan na para makapasok sa Simbahan.

Maging ang mga pulis na naging barikada sa dami ng tao ay natangay na rin at nabuwag.

Gayundin, ang mga may dala-dalang istardante ay nag-uunahan na rin kaya hindi malaman kung aatras o aabante ang Andas na tinatangay na ng alon ng mga deboto kaya halos bumangga ito sa bakod ng entrada ng Quiapo Church.

Alas-7:45 ng gabi ay tuluyan nang makapasok sa dambana ng Quiapo Church ang Andas kung saan agad na isinara ang gate ng Simbahan upang hindi na dumugin pa ng mga deboto na nais makalapit sa imahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here