Home HOME BANNER STORY 155 deboto sugatan sa Traslacion; buntis isinugod sa ospital!

155 deboto sugatan sa Traslacion; buntis isinugod sa ospital!

MANILA, Philippines – May mga ilang mga naitala nang sugatan na mga deboto dahil sa siksikan ng mga deboto sa Traslacion.

Sa Traslacion 2024 summary assistance ng Philippine Red Cross (PRC), nasa 155 pasyente na ang kanilang natugunan na ngayong umaga.

Isa sa nasabing bilang ang major case o head trauma, 50 ang minor case kabilang rito ang laceration, dizziness o pagkahilo at 28 ang naitalang may kaugnayan sa vital signs.

Karamihan sa mga nawalan ng malay at nahirapang huminga dahil naipit sa alon ng mga deboto ang mga kabataang kababaihan.

Isinugod naman sa medical facility ang isang buntis na nakaranas ng pananakit ng tiyan.

Ayon sa PRC, may 10 first aid stations na nakadeploy sa ibat-ibang lugar na tutugon sa emerhensiya para sa mga deboto na posibleng maiipit sa Traslacion. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)