MANILA, Philippines – Tumambad ang sandamakmak na basura na iniwan ng mga deboto sa Quirino Grandstand sa Ermita, Maynila.
Mapapansin na ang mga iniwang mga basura ay mga plastic na karamihan ay mga plastic bottle, styrofoam at iba pa na ginamit sa pagkain.
Karamihan kasi ng mga deboto ay nagpalipas na ng magdamag sa Luneta para makadalo na rin ng Misa bago ang pag-arangkada ng prusisyon bago mag-alas singko ng umaga.
Ilang truck ng basura na rin ang dumating sa Quirino Grandstand upang linisin at hakutin ang mga basura.
Kapansin-pansin din na ilang mga tsinelas din ang nagkalat na maaring naiwanan na ng mga deboto dahil na rin sa dami ng tao na nagsisiksikan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)