Home METRO Mga deboto sinubukan pa ring sumampa sa andas

Mga deboto sinubukan pa ring sumampa sa andas

MANILA, Philippines – Eksaktong alas 4:45 ng umaga nang umarangkada ang Andas ng Poong Itim ba Nazareno sa Quirino Grandstand ngayong Martes, Enero 9.

Bagamat umaambon, hindi naman natinag ang mga deboto na makibahagi sa panunumbalik ng Traslacion.

Sa tala ng Minor Basilica of Black Nazarene o Quiapo Church Command Post ay nasa 1.340 milyon ang nakibahagi sa Grandstand habang sa prusisyon o pag-usad na ng Traslacion ay umabot na lamang sa 656,700 dahil kumalas na rin ang iba.

Hindi naman maiwasan na ilang deboto ang magawang makasampa pa rin sa Andas ng Poong Itim na Nazareno kahit pa nakalagay na ito sa glass case.

Sa Quiapo, nakapagtala na ngayon ng 26,800 mga deboto para makiisa sa idinaraos na Misa. Jocelyn Tabangcura-Domenden