Home NATIONWIDE Taunang pagpapailaw ng Giant Christmas Tree at Christmas Bazaar sa Navotas, nasaksihan

Taunang pagpapailaw ng Giant Christmas Tree at Christmas Bazaar sa Navotas, nasaksihan

1
0
Pinangunahan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pag-papailaw ng 40ft giant Christmas tree at ang opisyal na pagbubukas ng Christmas Bazaar sa Navotas Centennial Park, Navotas City. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco pagpapailaw ang taunang pagpapa-ilaw sa higanteng Christmas tree at pagbubukas ng Christmas bazaar at amusement park sa Centennial Park sa Navotas City, Biyernes ng gabi.

Libo-libong mga residente ng lungsod ang dumagsa sa lugar upang saksihan ang makulay na pagpapa-ilaw ng Christmas tree na sinabayan ng ribbon cutting ceremony para sa pagbubukas ng bazaar at amusement park.

Ayon kay Mayor Tiangco, hindi lamang para sa ikalulugod ng mga Navoteno ang binuksang bazaar at amusement park kundi upang makatulong na rin sa maliliit na negosyante na nabigyan ng mga food stalls na paglalakuan nila ng street foods, inumin, retail stores, at Christmas souvenir.

Akma ang paglalagay ng higanteng Christmas tree sa naturang parke dahil tanaw mula rito ang kagandahan ng Manila Bay, habang hitik naman sa kasiyahan ang mga bata sa mga inilagay na rides tulang ng carousel, Vikings, fun slide, at carnival games.

Magtatagal ang bazaar at amusement park ng hanggang Enero 17, 2027 na sisimulan ang operasyon ng alas-4:00 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here