Home HOME BANNER STORY Traslacion 2024 umarangkada na!

Traslacion 2024 umarangkada na!

MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong taong pagkakatigil ay muli nang nagsimula ang Traslacion o ang prusisyon ng imahe ng Poong Itim na Nazareno ngayong Martes, Enero 9, 2024.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo church umalis sa Quirino Grandstand ang imahe bandang alas-4:45 ng umaga.

Bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, Traslacion ang prusisyon ng 400 taong gulang na itim na imahen ni Hesukristo o Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Alas-6:30 ng umaga, nasa 700,000 deboto ang namataan sa ruta ng prusisyon, ayon sa Manila Police District. Nasa 5,000 din ang naiulat na nasa Quirino Grandstand.

Samantala, hanggang alas-5 ng umaga, nasa 1.3 milyong deboto ng Itim na Nazareno ang nasa Quirino Grandstand at humigit-kumulang 40,000 sa Quiapo Church noong Martes ng umaga para sa pagsisimula ng Traslacion, sinabi ng tagapagsalita ng Nazareno 2024. RNT