Home HOME BANNER STORY Balut Island sa Sarangani inuga ng M-6.7 na lindol

Balut Island sa Sarangani inuga ng M-6.7 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental kaninang umaga ng Martes, Enero 9, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang lindol, na naganap alas-4:48 ng umaga, ay tectonic ang pinagmulan na may lalim na 94 kilometro.

Wala naman tsunami alert threat ang itinaas.

Naramdaman ang Intensity IV sa Glan, Malungon, at Kiamba, Sarangani habang naramdaman ang lindol sa Intensity III sa Lungsod ng General Santos; Lungsod ng Koronadal, Tupi, Polomolok, at T’boli, Timog Cotabato; Alabel, at Malapatan, Searangani; at Matalam, Cotabato.

Naitala naman ang Intensity II sa Tampakan, Tantangan, Banga, Norala, Santo NiƱo, Surallah, at Lake Sebu, South Cotabato; Lungsod ng Zamboanga; Maitum, Sarangani; City of Kidapawan,Makilala, M’lang, Pigcawayan, Tulunan, and Kabacan, Cotabato; at Pangulong Quirino, Sultan Kudarat.

Habang ang Intensity I ay naiulat sa Lungsod ng Cagayan de Oro; Maasim, Sarangani; Arakan, Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat.

Hanggang alas-7 ng umaga, nakapagtala ang Phivolcs ng 38 aftershocks mula sa magnitude 2.5 hanggang 3.8.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa magnitude 6.7 na lindol, sabi ng Phivolcs. Santi Celario