Home NATIONWIDE Bong Go sa 2024 Datu Bago Award ni FPRRD: ‘SIYA ANG AKING...

Bong Go sa 2024 Datu Bago Award ni FPRRD: ‘SIYA ANG AKING GURO SA BUHAY, PUBLIC SERVICE’

157
0

MANILA, Philippines- Ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang taos-pusong pagbati kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kaisa-isang ginawaran ng Datu Bago Award ngayong taon.

Binigyang-diin sa iginawad na award ang naging malaking papel ng dating Presidente sa serbisyo publiko, partikular sa pag-unlad ng Mindanao.

Ang Datu Bago Awards ay kumakatawan sa pinakamataas na parangal ng Davao City government para sa mga indibidwal na makabuluhang nagsulong ng pag-unlad ng lungsod.

Sa panayam matapos tulungan ang mga biktima ng bagyo sa Malita, Davao Occidental, ipinahayag ni Go ang kanyang matinding paghanga sa malawak na serbisyo ni Duterte sa Davao City na umabot sa mahigit 36 ​taon.

“Congratulations po kay former president Rodrigo Duterte for being the lone Datu Bago 2024 awardee. Alam n’yo, 36 years na pong nanilbihan si Tatay Digong sa Davao City at noon pa bilang OIC (Office in Charge) vice mayor, naging elected mayor, naging congressman, naging three-term mayor again, naging vice mayor, naging mayor… hanggang sa naging pangulo ng bansa,” anang senador.

“Thirty six years ng kanyang buhay, almost half of his life, na devote niya po sa pagseserbisyo sa Davao City. It’s long overdue, matagal na po ito. At siya po talaga ang pinaka-deserving na Davaoeño na makakuha ng award na ito,” dagdag niya.

Ipinagmalaki ni Go si Duterte bilang isang walang kapantay na pigura sa kanyang buhay sa pagsasabing “He is my greatest mentor in life, in public service.”

Binigyang-diin din niya ang walang humpay na debosyon ni Duterte sa kapakanan ng mga Davaoeño, anuman ang pormal na pagkilala.

“With or without recognition, with or without award, alam ko, mahal n’ya po ang ating mga kababayan. Mahal n’ya po ang Davaoeño. Magse-serbisyo po ‘yan kahit na walang award,” sabi ni Go.

Kinilala rin ni Konsehal Pilar Braga ang naging tranformative role ni Duterte sa Davao City na nagtatampok sa kanyang panunungkulan bilang isang katalista para sa pag-unlad, inklusibong pamamahala, at pagpapalakas sa komunidad.

Ang pamana ni Duterte na gawin ang Davao City na isa sa pinakaligtas na tirahan sa lungsod sa Pilipinas, ay umaakma sa halaga ng parangal sa pagkakaisa, katatagan, at pag-unlad ng mga mamamayan nito.

Ang gabi ng parangal ay nakatakda sa Marso 13, 2024, sa Matina Enclaves, Davao City na may mataas na pag-asang dadaluhan ni Duterte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here