MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) nakapagtala ng 84 pagkamatay dahil sa rabies, batay sa datos mula Enero hanggang Marso 16.
Ito ay kasunod ng pagsirit ng mga kaso ng rabies sa dalawang munisipalidad sa Marinduque kung saan idineklara ang state of calamity.
Ayon sa kay veterinarian Dr. Marie Shella Ordinario, may mga posibilidad na maari pang tumaas ang insidente ng pagkagat ng aso sa panahon ng tag-init.
Napansin din ang pagtaas ng kaso ng rabies sa ilang lugar sa Mindanao na nag-udyok ng higit pang atensyon sa mga pagsisikap sa pagbabakuna sa buong bansa.
Kaya ang pangunahing alalahanin ay ang pag-iwas sa panganib ng rabies transmission, sanhi ng virus na dumaan sa mga gasgas ng pusa at kagat ng aso.
Ang rabies ay may 100 porsiyentong fatality rate kung hindi agad magamot.
Libre naman ang mga bakuna laban sa rabies sa DOH animal bite centers.
Sinabi ni DOH Asec.Albert Domingo na iwasan ang pagkonsumo ng karne mula sa may sakit na hayop. (Jocelyn Tbangcura-Domenden)