Home NATIONWIDE Quiboloy isa nang pugante – NBI

Quiboloy isa nang pugante – NBI

MANILA, Philippines – Maari nang ituring na “pugante” ang pinuno ng KIngdomof Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, sinabi ng isang opisyal ng national Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay matapos mabigo ang mga awtoridad na mahanap ang pastor sa isa pangtatangka na isilbi ang kanyang warrant of arrest.

Ang posibleng pinagtataguan ni Quiboloy ay binisita ng mga awtoridad kabilang ang KOJC compound sa Davao City, isang prayer mountain at ang anim hanggang pitong ari-arian ng pastor sa Island Garden City sa Samal, ayon sa NBI Southeastern Mindanao.

Nakikipag-usap na rin umano ang NBI sa kampo ni Quiboloy para sumuko sa mga awtoridad.

Sinabi ni NBI Southeastern Mindanao chief Archie Albao, na mahigpit na binabantayan ng tracker at arresting teams mula sa NBI, Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group at intelligence community ang kaso.

Samantala, sumuko sa nasabing sangay ng NBI ang dalawa pang kapwa akusado ni Quiboloy sa mga kaso ng child at sexual abuse nitong Huwebes ng umaga.

Agad ding nagpiyansa sa Davao City Hall of Justive sina Jackielyn Roy at Ingrid Canada,ang kapwa akusado na kapwa miyembro ng KOJC.

Sa kasalukuyan, lima na sa kapwa akusado ni Quiboloy ang nakakalaya matapos makapagpiyansa.

Itinanggi kamakailan ni Quiboloy na sekswal niyang inabuso ang mga babaeng personal assistant o ‘pastorals’, at sinasabing ginawa ng mga babae ang mga akusasyon dahil sila ay tinanggihan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)