Home METRO Kelot nalunod sa Agno River

Kelot nalunod sa Agno River

123
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Agno River sa Barangay Laoac, Alcala, Pangasinan nitong Huwebes ng gabi, Abril 4.

Nakatanggap ng ulat ang Bureau of Fire Protection ng report tungkol sa hindi pa nakilalang lalaki na nalunod sa Agno River.

Dahil dito ay agad na rumesponde ang BFP-Alcala, kasama ang mga residente at pulisya.

Sinubukan pa nilang sagipin ang lalaki ngunit bigo itong mailigtas dahil sa malakas na agos ng ilog.

Kalaunan ay nakuha ang katawan ng biktima ngunit hindi na naisalba pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here