Home METRO 5 tulak arestado sa operasyon sa Agusan, Surigao

5 tulak arestado sa operasyon sa Agusan, Surigao

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang limang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Agusan del Sur at Surigao City nitong Miyerkules, Abril 3.

Ayon kay Police Regional Office-13 Director Police Brig. Gen. Kirby John B. Kraft, ang apat na suspek ay naaresto sa Rosario, Agusan del Sur.

Nakuhanan ang mga ito ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,800 na kinilalang sina Jam, Anton, 45; PJ, 33, at Hom, 38.

Samantala, si Butch naman, 39, ay nahuli sa operasyon sa Surigao City matapos makuhanan ng pitong gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P47,600.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC