MANILA, Philippines – Dalawang institusyon ang planong magtayo ng Islamic banking operations sa bansa, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkules, Abril 17.
Sa pulong balitaan, sinabi ni BSP assistant governor Arifa Ala na sa kasalukuyan ay mayroong dalawang potential applications para sa Islamic banking sa bansa. Isa sa mga ito ay ang Maybank Philippines Inc. na planong magbukas ng Islamic banking window.
“They have not submitted application as of today, but we’ve heard information that they may submit it within this month. We’ve been discussing with them,” sinabi ni Ala.
Ang isa pang potential application ay ang foreign bank na nasa likod ng CARD Bank Inc., isang microfinance institution na mayroon nang Islamic bank sa bansa.
“There is no specific number. We have not really targeted a specific number, but we would like to have more because for the longest time, we only have one Islamic bank in the name of Al Amanah Islamic Islamic Investment Bank and now we have two, because CARD has Islamic bank here,” dagdag ni Ala.
Ang Islamic banking ay batay sa Shari’ah Principle, na mayroong tukoy na sistema upang masiguro ang epektibo at independent oversight sa pagtugon sa practical divine law mula sa legitimate sources nito, ang Qu’ran, Sunnah, consensus ng Muslim scholars, analogical deduction, at iba pang approved sources.
Layon ng BSP na i-promote ang Islamic banking sa bansa upang mapalakas ang financial inclusion sa Pilipinas. Sa ulat, 8% lamang sa Bangsamoro region ang mayroong bank account.
“What we want to do is create an inclusive banking system, a banking system in the country to complement the banking system we already have,” ayon kay BSP governor Eli Remolona. RNT/JGC