Home NATIONWIDE Lighthouse planong itayo sa Ayungin Shoal

Lighthouse planong itayo sa Ayungin Shoal

127
0

MANILA, Philippines – Ipinanukala sa Kamara ang panukalang magpapatayo ng isang lighthouse sa Ayungin Shoal.

Ito ay sa ilalim ng Bill 19226 na inihain nina Representatives Lani Mercado at Jolo Revilla ng Cavite, at Bryan Revilla ng Agimat party-list.

Sa ilalim ng panukala, imomonitor at iingatan ng lighthouse ang sovereign rights at resources ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at mga kalapit na bahagi ng dagat. Nakahanda rin itong tumulong sa mga barko at bangka na dadaan sa lugar, upang maiwasan ang maritime accidents.

Aatasan ng panukala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa plano, disenyo at konstruksyon ng lighthouse sa Ayungin Shoal.

Responsibilidad naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maintenance nito.

Kabilang sa maintenance operations ng PCG ang regular inspections, repair, at pagsisiguro na operational ang beacon light sa lahat ng oras.

Samantala, sa panukala, kukunin ang pondo sa konstruksyon ng lighthouse mula sa pondo ng DPWH sa naturang taon.

Kukunin naman sa taunang budget ng PCG ang pondo sa maintenance ng lighthouse.

Ang panukala ay inihain kasunod ng insidente ng panggigipit ng China sa Pilipinas mismo sa West Philippine Sea. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here