Home HOME BANNER STORY Luzon grid naka-yellow alert ngayong araw

Luzon grid naka-yellow alert ngayong araw

MANILA, Philippines – Ilalagay sa yellow alert ang Luzon grid ngayong hapon ng Lunes, Mayo 6.

Sa pahayag, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang Luzon grid ay isasailalim sa yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na ang peak demand para sa grid ay 13,714 megawatts, ngunti ang available capacity lamang ay 15,167 megawatts.

Itinataas ang yellow alert kapag ang operating margin ay kulang para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Noong mga nakaraang linggo ay sunod-sunod ang paglalabas ng NGCP ng mga warning dahil sa manipis na suplay ng kuryente. RNT/JGC