Manila, Philippines- Iresponsable’t walang malasakit na ama sa kanyang anak.
In a capsule ay ganito ang paglalarawan ni Regina Pryor sa dating karelasyong si Dolphy Jr. sa pagtrato sa kanilang anak na si Rocky.
Si Rocky ay 42 anyos na anak nina Dolphy Jr. at Regina at bale apo ng yumaong King of Comedy na si Dolphy.
Nakabase sina Regina at Rocky sa Sta. Cruz, Laguna.
Si Dolphy Jr. ay nakabase sa Batangas.
Ganoon na lang ang himutok ni Regina na ibinahagi niya sa PEP ang tungkol sa pagkikita ng mag-ama.
Ang dapat sana’y masayang reunion ng mag-amang matagal nang hindi nagkikita ay nabahiran ng lungkot.
Si Rocky ay nasuring may iba’t ibang sakit at nangangallangan ng agarang CT scan.
Ayon kay Regina, may dalawang taon na raw iniinda ni Rocky ang kanyang sakit.
Nagpapasalamat siya kay Eric Quizon, kapatid sa ama ni Dolphy Jr., sa tulong na iniaabot nito.
Wala raw tulong na dapat sana’y manggaling kay Dolphy Jr.
Lalong hindi ikinatuwa ni Regina nang papuntahin ni Dolphy Jr. ang anak sa Batangas para sa libreng CT scan only to find out na sa July pa raw ang schedule nito.
Kinailangan pa raw ni Regina na makipag-ugnayan sa lokal na opisyal ng Sta. Cruz para lang maihatid sa ambulansya si Rocky.
Ani Regina, 4:30 ng umaga raw ay umalis na sila sa Sta. Cruz pero hindi nila nadatnan si Dolphy Jr. sa Batangas.
Paliwanag naman nito’y nag-commute lang daw siya.
Nasa pagitan daw ng P14,000 at P16,000 ang gastos sa CT scan na ayon kay Regina ay maaari namang ipadala ni Dolphy Jr. sa pamamagitan ng Gash para hindi na bumiyahe’t mapagod si Rocky.
Mas hinabol daw kasi ni Dolphy Jr. ang libreng CT scan.
Iginiit ni Regina na hindi raw siya naging masaya sa pagkikita ng mag-ama.
Bukas ang Remate Online para sa panig ni Dolphy Jr. Ronnie Carrasco III