Home NATIONWIDE Travel restrictions sa ilang lugar sa Mindanao, niluwagan na ng Canada

Travel restrictions sa ilang lugar sa Mindanao, niluwagan na ng Canada

MANILA, Philippines – Niluwagan na ng Canada ang travel restrictions sa ilang mga probinsya sa Mindanao kasabay ng patuloy na babala sa mga banta ng terorismo, krimen at armed clashes sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at mga sundalo sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Sa updated travel advisory noong Mayo 1, inalis na ng Canada ang Camiguin at Dinagat Islands mula sa travel warning kasunod ng pagsusuri ng security status sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, ibinaba naman ang Bukidnon at Misamis Oriental sa “Avoid non-essential travel” category matapos itong ilagay sa “Avoid all travel” category noong Enero.

Nagbabala ang Canada na dapat pa ring iwasan ang pagpunta sa Basilan, Cotabato, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Maguindanao, Misamis Occidental, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

“Extremists have been active in the southern Philippines for several years,” sinabi sa abiso ng Canada.

“Although local authorities have demobilized some of violent extremist groups in the recent years, there’s still a risk of terrorist attacks and kidnappings, especially in the following regions: Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Zamboanga Peninsula, Sulu archipelago.”

Noong 2016, dalawang turistang Canadian ang dinukot ng Abu Sayyaf at pinugutan pa ng naturang grupo. RNT/JGC