Home HOME BANNER STORY Rice tarrification law sisertipikahang urgent ni PBBM

Rice tarrification law sisertipikahang urgent ni PBBM

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Mayo 6 na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.

“Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media interview kasunod ng kanyang pagdalo sa 2024 GOOCs’ Day at the Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“Ang problema kasi kaya tumataas ang presyo ng bigas dahil ang mga trader ay nagko-compete. Pataasan sila ng presyuhan sa pagbili ng [bigas] at wala tayong control doon,” ayon sa Pangulo.

Aniya pa, maaaring impluwensiyahan o kontrolin ng gobyerno ang presyo ng bigas kung masisimulan ang pag-amiyenda sa rice tariffication law partikular na sa pagbili ng palay at pagbebenta ng bigas sa publiko.

Samantala, itinutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-amyenda sa RTL para payagan ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng bigas sa mrekado.

Ang presyo aniya ay maaaring bumaba ng P10 hanggang P15 o P30 kada kilo kapag na amiyendahan na ang RTL, sabay sabing prayoridad ng Pangulo na gawing matatag ang presyo ng bigas.

Isinaisip na ibaba ang presyo ng bigas, pinahihintulutan ng RTL ang unlimited entry ng imported rice sa bansa. Pinagbabawalan nito ang NFA na bumili at magbenta ng bigas at ilimita ang mandato ng ahensiya na pangasiwaan ang buffer rice stocks. Kris Jose