MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Mayo 6 na hindi gagamit ang Pilipinas ng water cannon gaya ng ginawa ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang ambush interview sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, winika ng Pangulo na patuloy na mas pahuhupain ng Philippine Navy at ang Philippine Coast Guard (PCG) ang tensyon sa WPS.
“We will not follow the Chinese Coast Guard (CCG) and the Chinese vessels down that road because it is not the mission of Navy, our Coast Guard to start, or to increase tensions,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
“Their mission is precisely the opposite, it’s to lower tensions,” dagdag na pahayag nito.
Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung papayagan nito ang mga barko ng Pilipinas na gumamit ng water cannon bilang tugon sa agresibong pag-atake ng CCG laban sa vessels ng bansa.
Pinanindigan naman ng Pangulo na patuloy na idedepensa ng Pilipinas ang sovereign rights at soberanya sa lahat ng diplomatic forms.
“No. We are, what we are doing is defending our sovereign rights and our sovereignty in the West Philippine Sea. And we have no intention of attacking anyone with water cannons or any other such offensive…I would have to call them weapon dahil nakaka-damage na,” ang tinuran ng Pangulo.
“All we do is pagka-nangyayari wina-water cannon ‘yung mga barko natin ay nagpapadala tayo ng démarche, nagpapdala tayo ng sulat sa China and the other stakeholders,” dagdag na wika nito. Ang démarche ay isang diplomatic gesture para ilahad ang posisyon ng gobyerno sa isang usapin o paksa.
Kamakailan lamang ay gumamit ang CCG “jet stream pressure” water cannon laban sa Philippine vessels na nasa routine humanitarian mission sa Bajo de Masinloc.
Habang binigyang-diin ni Pangulong Marcos na hindi gagamit ang Pilipinas ng anumang “offensive weapon” laban kahit na kaninuman sinabi nito na “the last thing” na gagawin ng pamahalaan ay “is to raise the tensions in the West Philippine Sea.” Kris Jose