Home NATIONWIDE N. M’danao target ng gobyerno na gawing leading agri hub ng Pinas

N. M’danao target ng gobyerno na gawing leading agri hub ng Pinas

154
0

MANILA, Philippines – Target ng administrasyon na gawing nangungunang agricultural hub ng Pilipinas ang Northern Mindanao.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kanyang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka, mangingisda, at pamilya sa Iligan City.

”Sa pangunguna ng NEDA, inilatag na ang mga estratehiya at proyekto na gagawin sa inyong rehiyon sa ilalim ng Northern Mindanao Regional Development Plan ng 2023 hanggang 2028,” ani Marcos sa kanyang pahayag.

”Hangad po nito na gawing ‘globally competitive’ at ‘leading agricultural hub,’ ‘major industrial, tourism, trade center’ ang buong Region 10,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit ni Marcos ang ilan sa mga proyekto ng pambansa at lokal na pamahalaan, kabilang ang Panguil Bay Bridge, na magdurugtong sa Tangub, Misamis Occidental at Tubod, Lanao del Norte.

Sinabi rin ng Pangulo na mayroong expansion, rehabilitation, at development projects para sa mga paliparan sa Ozamiz, Camiguin, Lumbia, Bukidnon, at Laguindingan.

”Ang mga proyektong ito ay naglalayong mapabilis ang daloy ng ekonomiya at oportunidad para sa mga mamamayan ng Rehiyon 10,” ani Marcos.

Naghatid si Marcos ng iba’t ibang tulong ng gobyerno sa mga piling magsasaka, mangingisda at mga benepisyaryo ng pamilya mula sa Northern Mindanao sa isang ceremonial distribution sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) sa Iligan City.

Kasama sa mga probisyong ito ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa para mapili ang mga benepisyaryo mula sa Iligan City, Lanao del Norte at Misamis Occidental.

Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Iligan City ay nakatanggap ng P10.5 milyon bilang presidential assistance kasama ang mga pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Norte at Misamis Occidental, na tumatanggap ng P13.9 milyon at P24.3 milyon, ayon sa pagkakasunod. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here