Home METRO 1,900 AICS beneficiaries sa Batangas binisita ni Sen. Lapid

1,900 AICS beneficiaries sa Batangas binisita ni Sen. Lapid

MANILA, Philippines – Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senador Lito Lapid, nasa 1,900 benepisyaryo ang nabiyayaan ng tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD sa bayan ng Mabini at San Jose, Batangas.

Pinangunahan ni Sen. Lapid ang AICS payout sa Brgy. San Francisco, Mabini, Batangas ngayong umaga.

Katuwang ni Lapid si Batangas Congresswoman Gerville “Jinky” Bitrics-Luistro sa pag-abot ng ayuda sa nasabing mga benepisyaryo.

Sunod na tinungo ni Lapid ang bayan ng San Jose kung saan namahagi rin sya ng ayuda para sa mga benepisyaryo.

Sa isinagawang payout, sinalubong si Lapid nina Mark Lester Patron ng FPJ Bantay Bayanihan partylist, Vice-Mayor Rene Arcilla, Councilors Vanessa Patron, Jojo Rodriguez at Arnold Aguila.

Tinanaw naman ni Lapid na malaking utang na loob ang tulong ng bayan ng San Jose nang magpadala ng mga itlog sa Pampanga para sa mga kababayan nya na sinalanta ng pagputok ng Mt. Pinatubo.

Binansagang ‘The Egg Basket of the Philippines’ ang bayan ng San Jose dahil sa napo-produce na 12 milyong itlog kada araw.

Ang San Jose, Batangas ay syang nagsusuplay ng 70% ng itlog sa buong bansa.

Taus-pusong nagpaabot ng pasalamat kay Sen. Lapid ang mga benepisyaryo sa Mabini at San Jose, Batangas sa napapanahong tulong pinansyal. RNT