MANILA, Philippines- Nag-alok ng scholarship ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 145 Navoteño na mga mag-aaral sa elementarya at high school na mahusay sa palakasan. Kabilang sa mga bagong iskolar ay 38 kampeon sa athletics sa Navotas Division Palaro, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa arnis, at 16 sa badminton. Kasama rin ang 11 medalist sa table tennis,10 sa pencak silat, pito sa chess, at siyam sa arnis.
Nilagdaan nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, ang memorandum of agreement para sa mga NavotaAs Athletic Scholarship Program kasama ang mga magulang o mga tagapag-alaga. Jojo Rabulan