MANILA, Philippines – Inabangan ng mga fans ng SB19 ang guesting ng miyembro nito na si Pablo.
Ang guesting ni Pablo sa sikat na Wish Bus ngayong araw, June 20, 2024, ay kasama sa promotional activities nito para sa kanyang latest single na “EDSA.”
Maaga pa lang ay nakapwesto na ang mga fans nito sa Eton Centris sa Quezon Avenue kung saan nakapwesto ng Wish Bus.
As early as 12 noon ay mga nakapwesto na barikada Kahit na 7PM pa ang appearance ng kanilang idolo.
Nag-viral din sa Twitter ang #EDSAonWishBus at WISH BUS SA EDSA KAHABAAN kung saan nagbahagi ng kani-kanilang mga larawan ang mga fans ilang sandali bago ang guesting ni Pablo.







