MANILA, Philippines- Inaasahan ang transisyon ng “weak” La Niña sa kalagitnaan ng Agosto at oktubre, ayon sa August and October, PAGASA.
Sinabi ng state weather bureau na kasalukuyang nasa “neutral phase” ang bansa kasunod ng pagtatapos ng El Niño nitong buwan.
Base kay PAGASA weather services chief Climatology and Agrometeorology Division, Thelma Cinco, dapat umabot ang El Niño-Southern Oscillation alert and warning system sa partikular na threshold bago ideklara ang pagsisimula ng La Niña.
“Ang La Niña ay isang condition sa Central Pacific na ang ating tinitingnan na indexes ng sea surface temeprature. Kung El Niño ay mas mataas sa .5 ang La Niña naman ay -.5 and below,” ani Cinco. RNT/SA