MANILA, Philippines – Kinastigo ng pamunuan at mga miyembro ng Bukidnon Fellowship of Congregational Churches (BFCC) ang anila’y panlilinlang, pang-iimpluwensiya at pagpasok sa kanilang mga simbahan ng mga komunistang grupo sa lalawigan.
Kahapon ay nagsagawa ng programa ang libong kasapi ng BFCC sa Valencia City Gym sa Bukidnon at ipinakita ang kanilang pagkakaisa at hindi natitinag na pananampalataya gayundin ang pangako sa paglilingkod sa mga komunidad.







