Home HOME BANNER STORY Hukom sa Basilan, patay sa ambush sa Zamboanga City

Hukom sa Basilan, patay sa ambush sa Zamboanga City

1
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang hukom mula sa Basilan matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, Huwebes ng madaling araw, Nobyembre 12.

Kinilala ang biktima na si Judge Joseph Wee Sit, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 sa Isabela City, Basilan.

Batay sa paunang ulat ng Zamboanga City Police Office, sakay ng kanyang sasakyan ang hukom nang pagbabarilin ito ng mga armadong lalaki.

Isinugod pa si Sit sa isang kalapit na ospital ngunit kalaunan ay binawian ng buhay dahil sa mga tinamong sugat.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa pamamaril.

Wala pang inilalabas na opisyal na impormasyon kung may kaugnayan sa trabaho ng hukom ang pananambang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here