MANILA, Philippines – Isinailalim sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na miyembro ng pulisya ng Cagayan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa “large-scale paluwagan scam.”
Isinagawa ang imbestigasyon matapos makatanggap ang Cagayan – Philippine National Police (PNP) ng mahigit 150 reklamo, at ang NBI ay nakatanggap ng nasa 200 reklamo kaugnay sa Ponzi scheme o pyramid scheme na isinasangkot ang apat na opisyal.
Ayon sa Provincial Director ng Cagayan PNP, nagre-recruit ang apat na opisyal at maraming nahikayat.
Aniya, isa rin sa kanyang asawa ang nabiktima.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pera na na-scam sa pamamagitan ng scheme na ito.
Ang mga opisyal na akusado ay inilagay sa ilalim ng restricted status.
Sinusuportahan din ng pamahalaang panlalawigan at lungsod ang imbestigasyon para panagutin ang mga responsable sa umano’y scam. Jocelyn Tabangcura-Domenden