Home NATIONWIDE Philippine eagle ‘Mangayon’ patay sa tama ng bala sa Davao

Philippine eagle ‘Mangayon’ patay sa tama ng bala sa Davao

179
0

MANILA, Philippines – Patay dahil sa tama ng bala ng baril ang lalaking Philippine eagle na si “Mangayon” sa Compostella Valley, Davao de Oro.

Sa pahayag ng Philippine Eagle Foundation (PEF) nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 11, sinabi nito na pumanaw na si “Mangayon” matapos na maubusan ng dugo nang tamaan ng bala ng baril sa kaliwang pakpak.

May posibilidad din umano ng sepsis dahil sa tinamong sugat.

Natagpuan ng isang sundalo ng Philippine Army na nagpapatrolya sa lugar ang nanghihina na at sugatang agila sa Barangay Mangayon.

Hindi na ito kumikilos nang ilipat si Mangayon sa pangangalaga ng PEF.

Ayon sa PEF, si Mangayon ang ika-apat na biktima ng pamamaril ngayong taon, dagdag sa mga agilang sina “Lipadas” sa Mt. Apo, “Kalatungan” sa Bukidnon, at “Nariha Kabugao” sa Apayao.

“This is the 20th case of eagle rescue since 2020, or a rate of 5 birds per year, which remains high,” ayon pa sa PEF.

Nanawagan naman si PEF executive director Dennis Salvador ng agarang pagpapatupad ng programa sa pangangalaga ng mga agila.

“But we would mostly need LGU and national government actions and investment. The civil society sector can only do so much. We need government political will and action. There should also be additional financing to a systematic and nationwide species survival campaign before it’s too late for our national bird,” ani Salvador. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here