Home METRO Mga pasahero ligtas, 13 flights naantala sa dumulas na CebPac flight sa...

Mga pasahero ligtas, 13 flights naantala sa dumulas na CebPac flight sa NAIA taxiway

102
0

MANILA, Philippines- Ibinahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na bahagyang dumulas sa madamong bahagi ng taxiway ang isang pampasaherong eroplano nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa MIAA, naganap ang nasabing insidente sa aircraft ng Cebu Pacific Air A-321 habang nagreposisyon ito mula Bay 111 patungong Bay 122A ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Dagdag pa ng MIAA, wala umanong sakay na pasahero o crew at walang naiulat na nasugatan sa nabanggit na insidente bagama’t hindi bababa sa 13 flight ang naantala dahil dito.

Nabatid na idineploy ang MIAA Aircraft Recovery team para agad maialis ang sasakyang panghimpapawid mula sa madamong lugar.

Humingi rin ng paumanhin ang Cebu Pacific dahil naantala ang anim na arrival at pitong departure flights dahil sa insidente. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here