Home SPORTS Dwight Howard maglalaro sa MPBL?

Dwight Howard maglalaro sa MPBL?

148
0

Dumating sa bansa ang sikat na ex-NBA player na si Dwight  Howard kung saan  kinumpirma nito ang kanyang paglahok bilang import sa bagong tatag na The Asian Tournament.

Ayon sa ulat, dalawang linggo magbabakasyon sa Pilipinas ang dating NBA champion at All-Star, kung saan bibigyan siya ng apat na araw na treat sa world-famous Boracay Island ngayong weekend.

Pumirma si Howard na maglaro para sa Taiwan Mustangs sa ikaapat na leg ng bagong paligsahan sa Asya, ngunit nagpapatuloy pa din ang MPBL team na Zamboanga Valientes na akitin siyang maglaro sa kanilang koponan.

Nakatakdang maglaro para sa Taiwan side sina Howard at dating Lakers teammates na sina DeMarcus Cousins ​​at Quinn Cook, ngunit umaasa itong makapaglaro sa PBA sakaling maitaas  ng pro league ang limitasyon sa height ng import nito para sa Governors’ Cup sa susunod na season.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here