Home ENTERTAINMENT Kathryn, nawalan ng 100K IG followers, lumipat kay Daniel?

Kathryn, nawalan ng 100K IG followers, lumipat kay Daniel?

173
0

Manila, Philippines – Mukhang kailangang magpaliwanag ang pamunuan ng Instagram kung saan napunta ang nabawas na followers ni Kathryn Bernardo na 100k.

Nagtabla as in naka-tie na ni Kathryn si Anne Curtis na record holder as the Filipino celebrity with the highest number of IG followers.

Pumangalawa noon si Kathryn followed by Heart Evangelista na sinusundan ni Marian Rivera.

In no time was Kathryn able to topple Anne lalo na noong nag-break sila ni Daniel Padilla.

Dumating sa puntong magka-level na nga sina Anne at Kathryn in terms of paramihan ng IG followers with 20.7M.

Pero of late, nabawasan daw ang kay Kathryn.

Marami ang humuhula na ang nabawas na 100k sa aktres ay lumipat sa dati nitong nobyong si Daniel Padilla.

Pero may mga ‘di sang-ayon dahil bago pa man daw ng kanilang breakup ay mataas ang bilang ng mga IG followers ni Kathryn.

May mga nagsasabi ding mismong ang IG daw ang “may gawa” nito, pero rest assured ang mga fans ni Kathryn na maibabalik ang nawawalang 100k sa kanilang idolo.

Samakatuwid, hindi kay Daniel lumipat ang mga followers ni Kathryn. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here