Pinuri ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sakripisyo ng mga Pinoy Nurses hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibat ibang sulok ng mundo.
Ayon kay Tolentino kilala ang mga Pinoy Nurses pagdating sa maayos na serbisyo at magaling na pag aasikaso sa mga pasyente hindi lamang sa sariling bansa maging sa ibayong dagat.
Ipinunto pa ni Tolentino na kahit noon panahon ng pandemya Pilipina Nurse ang unang tumurok ng covid 19 vaccine na patunay ang galing ng mga Pinoy Nurses.
Ginawa ni Tolentino ang pahayag kasabay ng kanyang pagdalo bilang guest speaker sa 51st Founding Anniversary at 49th Annual Convention and Scientific Meeting ng Perioperative Registered Nurses Association the Philippines Inc.
Kaugnay nito ipinagmalaki ni Tolentino na siya ang nag akda ng Philippine Nursing Practice Act of 2022 sa senado.
Nakakalungkot lamang aniya na hindi siya ang Chairman ng komite kung kayat bilang isang Majority Leader ngayong ng senado kanyang kakausapin si Senate President Francis Chiz Escudero na kung maari ay magbuo ng Specia Committee upang agad na matalakay ang Philippine Nursing Practice Act of 2022 sa senado upang maikyat na ito sa plenaryo.
Layunin ng naturang panukalang batas na maipantay ang sahod ng mga Nurses na nagtratrabaho sa mga private hospitals tulad ng mga sweldo ng mga Nurses na nagtratrabaho sa mga public hospitals upang hindi na mag abroad ang ang ating mga Nurses.
Aniya ni Tolentino aanhin ang mga hospital kung kulang naman tayo sa mga Nurses dahil nagsipag abroad na ang karamihan kung kayat sa pamamagitan ng naturang panukala ay maitataas ang sahod ng mga Nurses sa mga pribadong hospital. RNT