Home HOME BANNER STORY Oil price rollback naman!

Oil price rollback naman!

130
0

MATAPOS ang halos isang buwan na sunod-sunod na oil price hike, magpapatupad naman ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.60 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa kada litro ng diesel, at P1.15 naman sa kada litro ng kerosene na naging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price ro;;back din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipapatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here